Linggo, Setyembre 18, 2016

apoy,hangin,lupa,at tubig

SANGRE
Ang ENCANTADIA ay isang Telebabad na ipinapalabas sa channel 7 o sa G.M.A 7  na ginagamapanan ng apat ng sangrena sila Amihan ( Kylie Padilla), Danaya (Sanya Lopez) , Alena (Gabbi Garcia) at si Pirena ( Glaiza De Castro), sila ang humahawak sa mga briyante ng hangin,lupa,tubig at apoy. Kung ating babalikan ang na unang episode nito malayong malayo sa ginawang pagganap ng mga makabagong idea sa ENCANTADIA . Ang palabas din ito kung ating papansinin nagbibigay dila ng aral para sa mg batang nanonood nito.
Ang mga bawat bata na nanonood nito ay talagang sinusubaybayan nila sa kadahilanang gusto nila maging katulad nito at alam naman natin na bentang bentang palabas na ito sa mga bata.may isang bata dito saamin na ginagaya si sangre amihan pati ang mga salita nito kaya hindi ako nagtataka kung bakit humaling na humaling sila dito dahil una sa lahat maganda ang pag kakaset up nila sa kanilang palabas at detelyadong detelyado ang mga lengwaheng ginagamit nila.
Ang apat na sangre ay isang diwata ngunit sa kanilang apat na magkakapatid ibang iba ang pag uugali ni Amihan kaysa kay Pirena, kaya mas hinirang na reyna si Amihan kaysa kay Pirena. dahil ang pag uugali na may roon si Amihan ay siya namang wala kay Pirena. Si Amihan ay lumaki sa mundo ng mga tao kasama ang kanyang ama, duon sinanay si Amihan ng kanyang ama sa pag gamit ng sandata at kapangyarihan. ng matapos na at malaki na ito nagkaroon ng inggit sa puso ni Pirena  ng nagdulot ng alitan sa kanilang magkakapatid at kung atin papansininang ginagampanan ni Pirena isa siyang Kontrabida na gingawa nag lahat magkaroon lamang ng gulo.
Ang mga naunang Episode ng Encatadia ay mas higit na maganda kaysa sa ngayon subalit maganda rin naman ang Encatadia ngayon.
Gumamit sila ng iba't ibang lengwahe sa pakikipag usap at ito ay may kapormalan.

Ano ba talaga Ang Pag-ibig?

PAG-IBIG?

Ang Pag-ibig ay may dalawang uri ang KALUNGKUTAN at KASIYAHAN. Ang Kalungkutan dito natin nararanasang Masaktan,lumha,magpaka-tanga at Umasa dahil sa panahon ngayon, mas pabata ng pabata ang nagkakaroon ng nobyo at nobya.
Ang Kasiyahan o masayang Pag-ibig dito natin nararanasan ngumiti ng walang dahilan,magkaroon ng inspirasyon,maging masaya sa kinakasama na para bang ayaw mo na siya mawala sayo at mag karoon ng malusog at masayang pag-ibig. masaya nga diba?. Ito yung bahagi ng pag-ibig na ayaw na nating mawala o mabago, kase para sa atin ang masayang pag-ibig ang bumabangon sa ating kalungkutan atito rin ang pag ibig na ayaw na nating mawala pa. kase sino ba naman ang may gustong mawala pa ang masayang pag-ibig at mapalitan ito ng kalungkutan. May ibabahagi akong kwento sa inyo..

May isang babaeng estudyante matagal na sila ng kanyang nobyo mahigit mag iisang taon na silang mag nobya at nobyo sa una naging masaya sila para bang ayaw na nila maghiwalay gusto nila lagi sila magkasama yung Road to Forever na yung love story nila sa sobrang sweet nila sa isa't isa, yung sa sobrang sweet nila parang hindi mo sila kayang paghiwalayin... pero hindi nagtagal unti unti sila nagkakalabuan naging komplikado na yung pagsasamahan nila maraming straggle na din sila nararanasan, madalas ang away nila at tampuhan.
 Kung dati nag aaway sila o nagkakatampuhan agad naman sila nagkakabati dahil parehas sila nagsusuyuan subalit ngayon parang nawa na yung spark nilang dalawa simula ng grumaduate at lumipat na sila ng paaralan sa kanilang gustong mga school, pero bago pa mandin nangyari ito nag bakasyon muna sila at nagkaroon ng magagandang alala-ala na magakasama. Pasukan na at pumasok na sila sa kanila kanilang mga paaralan dahil sinior high sila masyadong komplikado ang naging oras nila magkaiba sila ng schedule. Yung girl na nagkwento to nito sakin masyado siyang selosa wlang hindi pinagseselosan at walang o ras na hindi nya inaaway ang kanyang nobyo,kaya hindi lumaon yung masaya nilang pag-ibig ay unti nti na lang nawala at naglaho.hindi alam ni girl ang kanyang gagawin ng hiwalayan siya ng kanyang nobyo. Gustuhin man nya ibalik ngunit ayaw na ng kanyang nobyo ginawa ng babae ang lahat para magkabalikan sila kaso wala na talaga ayawa na siya balikan nito. Kaya kahit masakit para sa kanya ang paghihiwalay nila tinanggap na lamang nya at pumayag sa gusto mangyari ng lalake dahil nga mahal niya ito."

Madami man ang nakakaranas ng masasayang pag ibig ngunit hindi talaga maiiwasan na hindi magkakaroon ng kalung kutan sabi nga nila ang Masaya ay may kaakibat na Kalungkutan. wala naman kaseng Pag-ibig na ang flow ay puro masaya lang kailang sa Pag-ibig laging may masaya at kalungktan kungbaga minsan may problema pero kaya naman solusyunan ng maayos dahil kung mahal nyo talaga ang isa't isa kakayanin nyo kahit ano pa ang mangyari maging masaya o malungkot man ito.Dapat lagi kayong magkasama dahil mahal nyo ang isa't isa.

"BUKO' by Jireh Lim

BUKO
 Ang kantang "BUKO" ay isang uri ng kantang pag-ibig na madalas na ginagamit ng mga lalaki sa panghaharana nila noong 2012 sa kanilang mga iniibig o napupusuan dahil ang kantang ito ni Jireh Lim ay tugma sa mga nararamdaman ng mga taong umiibig, dahil ang kantang ito ni Jireh Lim ay binase niya sa buhay pag-ibig ng kanyang Lolo at Lola, ang sabi nga ni Jireh Lim "ang kantang ko ito ay binase ko lamang sa buhay inshort "BUHAY KO"; It's about the love story of my grandparents. Na-inspire lang ako gumawa ng kanta about long-lasting love and till-death-do-us-part themeng song. Kasi yung Lolo ko sobrang sweet niya sa Lola ko . Matanda na sila pero kapag matutulog na silang Lola ko hinehele nya pa ito , at kinakamot pa niya ang ul  nito. Nung makita ko yung pinicturan ko kaagad and then ng makita ko muli ito na inspire na ako gumawa ng song".
Kaya pala maraming ang nagagandahan sa kantang ito dahil binase nya yung kanta nya true love story well kahit ako nagustuhan ko yung kanta kase sino ba naman hindi magagandahan dun diba? tapos yung mga kabataan sa panahon ngayon kinakanta pa  ito. 
Hindi ko akalain na yung theme ng kanta nya e love story ng lolo at lola nya. sa pamamagitan ng kanyang kanta marami na ding mga kabataan ang nainspire kantahin ito para sa kanilang mga iniibig. naging laos man ito sa panahon ngayon ngunit ang kantang ito ay napaka ganda at talagang mapupukaw pati ang iyong damdamin.At sa kantang ito madaming tao ang nakarelate sa kanta nya. ginamit kase ni Jireh Lim ang kanta para ikwento yung Love story ng kanyang  Lolo at Lola. Na pili ko ang kanta nya sa p ag gawa ng Blog dahil isa ako sa mga nainspire sa ginawa nyang kanta at ito rin ang ginamit ng dating nanligaw sakin.